‘Tigilan ang debate kung ilan ang EJK, at sa halip ay lutasin na lamang ang mga ito-Bishop Tobias

 

Niño Jesus Orbeta/Inquirer

Isang misa ang idinaos sa Caloocan City kahapon bilang alay sa mga biktima ng umano’y extra judicial killings o EJK.

Pinangunahan ni Bishop Antonio Tobias ang naturang misa sa Sto. Niño Parish sa Bagong Silang, North Caloocan, na dinaluhan ng mga kaanak at mahal sa buhay ng mga EJK victims.

Ayon kay Bishop Tobias, hindi isyu kung apat na libo o pitong libo ang napapatay na drug suspects.

Giit niya, namatay man sa police operation o death under investigation, sila ay maituturing na mga biktima ng summary execution.

Ang misa ay bahagi ng Holy Eucharist Mass Action (HEMA) o mga misang ini-aalay para sa mga napapaslang sa kasagsagan ng war against drugs ng Duterte administration.

Ang HEMA ay nananawagan din ng paghinto sa pagpatay sa mga hinihinalang sangkot sa ilegal na droga.

Ang Bagong Silang sa Caloocan ay isa sa mga lugar sa Kalakhang Maynila na may pinakamataas na kaso ng EJK.

Read more...