Ayon sa pinakahuling update mula sa PAGASA, namataan ang bagyo sa layong 310 kilometro sa silangan ng Calayan, Cagayan.
Kumikilos ang bagyo sa bilis na 11 kilometers kada oras, at bahagya itong humina sa 170 KPH malapit sa gitna at pagbugsong 205 kph.
Nananatiling nakataas pa rin ang Signal Number 3 sa Batanes Group of Islands, Northern Cagayan kasama na ang Babuyan at Calayan Group of Islands.
Nakataas pa rin ang Signal Number 2 iba pang lugar sa Cagayan, Northern Isabela, Kalinga, Apayao, Abra at Ilocos Norte
Signal number 1 ang nakataas sa iba pang lugar sa Isabela, Northern Aurora, Quirino, Nueva Vizcaya, Ifugao, Mt. Province, Benguet, La Union at Ilocos Sur.
Patuloy na palalakasin ng bagyo ang hanging habagat at magdudulot ng paminsan-minsang ulan sa Metro Manila, Calabarzon, Mimaropa at Western Visayas./Jay Dones