‘Hindi dapat iugnay ng EU ang EJK sa kalakalan’-Abella

By Jay Dones April 03, 2017 - 04:24 AM

 

abellaHindi dapat iniuugnay ng European Union ang mga alegasyon ng human rights violations sa isyu ng kalakalan.

Ito ang tugon ng Palasyo ng Malakanyang sa pahayag ni EU Ambassador Franz Jessen na posibleng maapektuhan ang kalakalan sa pagitan ng Pilipinas at Europa kung hindi tutugunan ng pamaahalaan ang mga kaso ng patayan sa bansa.

Paliwanag ni Presidential spokesperson Ernesto Abella, sinabi na ng Commission on Human Rights (CHR) na hindi ang gobyerno ang pasimuno ng mga kaso ng extrajudicial killings.

Dahil dito, hindi dapat gamitin ang mga kaso ng EJK upang hindi matuloy ang mga trade programs sa pagitan ng Pilipinas at Europa.

Handa na aniya ang Pilipinas na mapalago ang ekonomiya ng bansa.

Patunay aniya sito ang ‘record-high’ foreign direct investment noong nakaraang 2016 na 44 percent na mas mataas kumpara noong 2015.

Tiniyak rin ni Abella na inirerespeto ng Pilipinas ang mga nauna nitong ‘international commitments’ tulad ng pagrespeto sa karapatang pantao na nilagdaan nito sa harap ng United Nations.

Matatandaang makailang ulit nang minura at nilait ni Pangulong Rodrigo Duterte ang EU at mga opisyal nito dahil sa pakikialam umano sa kanyang pinaigting na giyera kontra droga.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.