Pamamahiya umano ni VP Robredo sa Pilipinas sa international community, naging sentro ng pagbatikos sa ‘Palit-Bise rally’
Tinatayang aabot sa mahigit apat na libo at limangdaan ang dumalo sa tinaguriang ‘Palit Bise Rally’ sa Quirino Grandstand sa Maynila.
Ayon sa National Capital Region Police Office, as of 6pm kagabi, mahigit apat na libong pro-Duterte supporters ang nagtitipon-tipon sa tapat ng Grandstand.
Pasado alas-kwatro ng hapon, Linggo nang magsimula ang pagkilos na layuning kondenahin ang umano’y panghihiya ni Vice Pres. Leni Robredo kay Pang. Duterte sa international community matapos ibalita ang umano’y ‘Palit-ulo’ scheme ng Phil. National Police sa pagsasagawa ng Oplan Tokhang.
Ilang mga kilalang personalidad na rin ang dumating sa venue, upang ipakita ang suporta para kay Pang. Duterte tulad ng singer-composer na si Jimmy Bondoc na isa ring PAGCOR official.
Nagsalita rin ang aktress na si Vivian Velez at aktor na si Dennis Padilla.
Lalo pang nabuhay ang dugo ng audience nang magperform ang kontrobersyal na MTRCB Board Member at singer/dancer na si Mocha Uson kasama ang kanyang grupong Mocha Girls.
May pinalilipad rin na ‘blimp’ o higanteng lobo na may nakalagay na ‘Change is Here Presidente Duterte’ sa venue.
Dakong alas 9:30 ng gabi, unti-unti nang nababawasan ang bilang ng tao sa Quirino Grandstand ayon sa District Tactical Operations Center.
Wala namang naitalang untoward incident ang NCRPO hanggang sa natapos ang programa.
Pasado alas-dose na ng madaling araw nang matapos ang programa laban kay Vice President Leni Robredo. ng rally.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.