32 sundalo sugatan sa pakikipagbakbakan sa ASG sa Sulu

By Inquirer, Jay Dones April 03, 2017 - 04:26 AM

 

talipao suluTatlomput-dalawang sundalo ang iniulat na nasugatan sa pinakahuling bakbakan sa pagitan ng puwersa ng gobyerno at mga bandidong Abu Sayyaf sa Talipao, Sulu.

Ayon kay Col. Cirilito Sobejana, commander ng Joint Task Group Sulu, nakalaban ng grupo ng mga sundalo na kasapi ng 41st Infantry Battalion ang bandidong grupo na pinamumunuan umano ng Abu Sayyaf subleader Hatib Hajan Sawajaan sa Bgy. Lao.

Nagpang-abot ang magkabilang panig dakong alas 9:30 ng umaga at natapos makalipas ang halos dalawang oras.

Kasalukuyan namang tinutugis ng mga sundalo ang mga nagsitakas na Abu Sayyaf na pinaniniwalaang nalagasan rin ng mga tauhan resulta ng bakbakan.

Patuloy ang pagtugis ng militar sa mga nagsitakas na bandido.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.