4th round ng peace talks, nakaranas ng bahagyang aberya

By Jay Dones April 03, 2017 - 04:27 AM

 

FB Sec. Dureza

Pansamantalang nakaranas ng aberya ang pormal na pagsisimula ng ikaapat na round ng peace talks sa pagitan ng gobyerno at National Democratic Front sa Netherlands.

Ito’y matapos lumutang ang ilang mga isyu na nais na maresolba muna ng magkabilang panig bago masimulan ang pag-uusap.

Dahil dito, agad na tinawagan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga opisyal ng gobyerno sa The Netherlands.

Ayon sa source ng Inquirer, personal na tinawagan ni Pangulong Duterte sina Presidential Adviser on the Peace Process Jesus Dureza at iba pang miyembro ng government peace panel.

Nakatakda sanang mag-usap ang dalawang panig kahapon upang ayusin ang agenda ng pag-uusap.

Kung sakaling matuloy, ito ang unang pagkakataon na muling magpupulong ang dalawang kampo nang walang idinedeklarang ceasefire sa pagitan ng magkabilang panig.

Naka-schedule ang ikaapat na round ng peace talks ngayong Abril a dos na tatagal hanggang Abril a-sais.

Nakalinya sa agenda ang pagbuo ng Comprehensive Agreement on Social and Economic Reforms na inaasahang magiging solusyon upang maresolba ang sigalot sa pagitan ng dalawang panig.

Dahil dito,, ngayong araw na lamang ipagpapatuloy ang usapan sa pagitan ng dalawang panig.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.