Findings ng PGH sa kondisyon ni Sen. Enrile, isa sa mga ikinunsidera ng Korte Suprema

August 20, 2015 - 07:31 PM

 

Inquirer file photo

Isa ang findings ng doktor ng PGH kaugnay sa kalagayan ng kalusugan ni Enrile sa mga binigyan ng bigat ng Korte Suprema sa desisyon nito na pagpyansahin si Senador Juan Ponce Enrile.

Tinukoy sa desisyon ang naging testimonya ni PGH Director Jose Gonzales na nagclassify kay Enrile bilang isang ‘Geriatric patient’.

Batay umano sa medical examinations ng UP PGH, nabatid na si Enrile ay dumaranas ng mga sumusunod:

Chronic Hypertension with fluctuating blood pressure levels, diffused atherosclerotic cardiovascular disease, irregular heartbeat, asthma COPD overlap syndrome at sa kanyang mata, ang senador ay mayroon ding macular degeneration.

Ayon kay Gonzales, ang medical condition ni Enrile ay maaring magdulot ng panganib sa buhay ni Enrile dahil maari itong humantong sa kumplikasyon sa utak at puso at maaring magdulot ng stroke.

Kaya para matugunan nang husto ang medical condition ni Enrile at makita ng mga mahuhusay na doktor, makatwiran at makatao lamang na ito ay payagan ng Korte ang kanyang provisional liberty.

Ayon sa Supreme Court, nakagawa ng grave abuse of discretion ang Sandiganbayan nang ibasura nito ang petition for bail ni Enrile sa kabila ng pangangailangan na ito ay aprubahan.

Binalewala umano ng Sandiganbayan ang malinaw na kundisyon sa kalusugan at edad ni Enrile./Ricky Brozas

 

 

TAGS: philippine general hospital, sen enrile, philippine general hospital, sen enrile

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.