Speaker Alvarez, nakakita ng kakampi kay Pres. Duterte

 

Photo courtesy of Sec. Bong Go
Photo courtesy of Sec. Bong Go

Ipinagtanggol ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kaalyado nitong si House Speaker Pantaleon Alvarez, na nasa gitna ng kontrobersiya dahil sa pag-aming may girlfriend.

Ayon kay Duterte, lahat umano ay ipokrita, kabilang na si Alvarez.

Hirit pa nito, “sino bang walang kaligayahan?”

Dagdag ng presidente, ilan ang mga mambabatas na may dalawa, tatlo o apat na babae sa kanilang buhay.

Kahit nga raw ang ilang pari ay may asawa.

Matatandang napaamin si Alvarez na hiwalay na sa asawang si Ginang Emelita, at kasalukuyang may kasintahan.

Ito’y kasunod ng iringan niya kay Davao del Norte Rep. Antonio Floirendo, ang pinakamalaki campaign contributor ni Duterte noong 2016 Presidential elections.

Nang matanong naman kung ano ang reaksyon hinggil sa tensyon ng dalawang kaalyado, sinabi ni Duterte na ang asawa nina Alvarez at Floirendo ang nag-aggravate.

Biro nito, hindi raw babae ang pinag-awayan ng dalawang kongresista, kundi lalake.

Read more...