Mistulang nabiktima ng April Fool’s Day ang aktres na si Nadine
Lustre habang nasa US tour kasama ang real-life boyfriend na si James Reid.
Sa isang Twitter post, sinabi ni Lustre na nabiktima sila ng mistulang basag-kotse gang makaraang basagin ng hindi pa nakikilalang magnanakaw ang kanilang sasakyan sa California.
Dahil aniya sa insidente, natangay ng suspek ang kanyang bag at digital camera.
Nagawa pang magbiro ng aktres at manawagan sa sinumang nagnakaw ng kanyang gamit na islo na lamang ito at sumigaw na lamang ng ‘April Fool’s at kanya itong patatawarin.
Guys NEVER leave valuables in your car.
It’s so easy to break windows now with a ninja rock.
Lost my bag and a cam last night. pic.twitter.com/lFxZxQOEg8— Nadine Lustre (@hellobangsie) March 31, 2017
Nagpayo rin ito sa kanyang mga kababayan na iwasang mag-iwan ng gamit sa loob ng sasakyan upang hindi mabiktima ng basag-kotse.
Nasa Amerika ang tambalang ‘Jadine” bilang bahagi ng kanilang “always Jadine” US tour.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.