Malakanyang, pinabulaanang nagbabayad si Duterte para manguna sa TIME online poll

By Isa Avendaño-Umali April 02, 2017 - 02:22 PM

 

Duterte Peru2Mariing itinanggi ng Malakanyang ang alegasyong nagbayad si Pangulong Rodrigo Duterte upang manguna sa online poll ng TIME Magazine’s 2017 100 most influential people.

Ito’y matapos maglabas ng isang artikulo ang website ng TIME kung saan binanggit na gumagamit umano si Duterte ng social media upang mai-promote ang kanyang mga agenda, at nagbabayad daw ng mga tao para mapa-angat ang kanyang popularidad.

Pero giit ni Presidential Spokesperson Ernesto Abella, pakana lamang ng mga kritiko ang akusasyong nagbabayad ang pangulo ng mga writer o ng sinuman.

Ani Abella, ang pag-arangkada ni Duterte sa online TIME poll ay dahil sa suporta ng mga tao sa pangulo at bunsod ng mga ginagawa nito para sa bansa.

Dagdag ng opisyal, may ilang miyembro raw ng isang grupo ang nagmamanipula sa media dito sa Pilipinas at sa abroad para muling makuha ang nawalang kapangyarihan at impluwensya.

Batay sa latest tally ngayong araw ng Linggo (April 02), si Duterte ay mayroong 5 percent ng mga boto at nananatiling nangunguna sa online poll.

Ang nasa ikalawang pwesto ay si Russian President Vladimir Putin, at sinundan nina Canadian Prime Minister Justin Trudaeu, Pope Francis, Microsoft co-founder Bill Gates, at Facebook co-founder Mark Zuckerberg na lahat ay nakakuha ng 3 percent ng mga boto.

 

TAGS: 2017 100 most influential people, TIME magazine, 2017 100 most influential people, TIME magazine

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.