Duterte, nagbigay ng kundisyon kapalit ng bilateral ceasefire agreement

By Angellic Jordan April 02, 2017 - 09:22 AM

 

Duterte-NPAIbinasura ni Pangulong Rodrigo Duterte ang agarang pagpirma ng bilateral ceasefire deal kasama ang Communist Party of the Philippines – National Democratic Front kapalit ng ilang kundisyon.

Ayon sa pangulo, dapat munang itigil ng mga rebeldeng grupo ang pangingikil, pagkokolekta ng revolutionary taxes at palayain ang mga hawak na bihag ng New People’s Army (NPA).

Sinabi ni Duterte ang mga naturang kundisyon bago ang pagpapatuloy ng ika-apat na round ng peace talks sa Noordwijk, The Netherlands.

Ayon kay Presidential Spokesperson Ernesto Abella, nais ni Duterte kahit apat man lang sa mga kundisyon ang magawa ng mga komunistang grupo bago tuluyang pirmahan ang kasunduan.

Utos aniya ng pangulo sa government panel na ulitin ang mga kundisyon ng bilateral ceasefire agreement.

Kamakailan, matatandaang hindi tinuloy ng CPP-NDF ang pagdedeklara ng unilateral ceasefire matapos ianunsiyo ni government chief negotiator Silvestre Bello III na hindi tutugon ang pamahalaan dito.

TAGS: CPP NPA NDF, gph ndf peace talks, CPP NPA NDF, gph ndf peace talks

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.