MMDA, nag-implementa na ng “heat stroke break” policy
Inanunsiyo ng Metro Manila Development Authority ang implementasyon ng “heat stroke break” policy simula ngayong Abril hanggang May 31, 2017.
Paliwanag ni MMDA acting chairman Thomas Orbos, ito ay upang protektahan ang kalusugan ng mga traffic enforcers at iba pang opisyal ngayong panahon ng tag-init.
Epektibo ang naturang break simula alas-diyes ng umaga hangang alas-dos ng hapon kung saan ito ang naitalang pinakamainit na oras sa isang araw ayon sa mga health experts.
Sa naturang pahinga, palitang magkakaron ng oras ang mga opisyal at pansamantalang iwan ang kanilang poste para sumilong mula sa tirik ng araw.
Maliban sa itatakdang polisya, bibigyan rin ng uniporme at head gears ang mga opisyal bilang panangga sa matinding init ng araw ngayong summer.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.