Mismong ang hukom na si Carlos Arguelles ang bumisita sa piitan na pinangangasiwaan ng Criminal Investigation and Detection Group o CIDG kung saan nakulong din ang isa sa mga suspek na si Supt. Marvin Marcos.
Si Marcos ang sinibak na hepe ng CIDG Region 8 na pangunahing suspek sa pagpaslang kay Espinosa at Raul Yap sa Baybay Provincial Jail noong ika-lima ng Nobyembre ng 2016.
Paliwanag ni Arguelles, binisita niya ang selda upang tiyaking nasusunod ang utos ng korte habang nagpapatuloy ang paglilitis sa kaso at masigurong walang “special treatment” sa mga nakapiit.
MOST READ
LATEST STORIES