Aabot sa mahigit isandaan katao ang nasawi habang hindi naman bababa sa isandaan at dalawampu ang sugatan sa pagguho ng lupa sa Bogota, Colombia.
Ito ay bunsod ng ilang araw na pagbuhos ng malakas na ulan.
Ayon kay Colombia President Juan Manuel Santos, nagpapatuloy ang search and rescue operations sa hangarin na mayroon pang nakaligtas sa insidente.
Dahil sa malakas na pag-ulan, umapaw ang ilang ilog sa Mocoa at natabunan ng bato ang ilang gusali at kalsada.
Ayon naman sa pulisya, umabot na sa siyamnapu’t tatlo ang bangkay na narekober sa landslide simula kagabi.
Nagpadala naman ng dagdag na tauhan si disaster unit head Carlos Ivan Marquez sa lugar ng pinangyarihan ng landslide para tumulong sa search and rescue operations.
Naitala naman ang pagkasira ng dalawang tulay sa Mocoa.
Sa inilabas na mga larawan ng air force sa social media, makikita na lubog sa putik ang maraming kabahayan sa Mocoa.
Sinabi ni Mocoa Mayor Jose Antonio Castro na malaking bahagi ng bayan ang apektado ng pagguho ng lupa kung saan posibleng aabot sa mahigit labing pito bahay ang natabunan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.