367.5M kada taon ang nawawala sa Makati dahil sa umano’y ghost senior citizens

August 20, 2015 - 07:21 PM

 

Mula sa @inquirerdotnet/Maila Ager

Ibinunyag ni Arthur Cruto, head ng Makati Action Center na karamihan ng mga beneficiary ng tulong para sa mga senior citizen ay patay na o mga “ghost senior citizens’ .

Ani Cruto, aabot sa P11,750.00 ang natatanggap ng bawat senior citizen kada taon na may hawak na ‘blu card’.

Sa listahan aniya ng Makati Social Welfare Development, aabot sa 68,000 ang bilang ng mga senior citizen sa lungsod, pero batay sa ginawa nilang pag aaral at batay na rin sa listahan sa Commission on Elections Civil Registry ng Makati, kalahati sa mga ito ay patay na o hindi makita sa mga ibinigay na address.

Inihalimbawa pa ni Cruto ang pag-aaral sa dalawang maliit na barangay sa Makati.

Sa Barangay Pinagkaisahan, 938 ang nakalista sa official record ng blu card holder pero 449 lamang ang natagpuan at mga rehistradong botante.

Sa Barangay Casilawan, 1,095 ang regsistered senior citizen pero 660 lang ang aktuwal na nakita.

Lumalabas ayon kay Cruto na 40 hanggang 52 percent ng mga senior citizen ang patay na o ‘di kaya ay wala sa kanilang mga ipinarehistrong mga address.

May mga namatay na aniya na dalawang taon na ang nakalilipas pero patuloy pa rin na tumatanggap ng benepisyo./ Chona Yu

 

 

TAGS: ghost senior citizens, makati city, ghost senior citizens, makati city

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.