Sec. Lorenzana, kinundena ang mga pag-atake ng NPA
Kinundena ni Defense Secretary Delfin Lorenzana ang mga pag-atake ng New People’s Army’s (NPA) sa mga tropa ng gobyerno at maging sa mga pribadong mga kompanya.
Tinawag ni Lorenzana na mga terorista ang komunistang grupo na aniya ay “anti-development, anti-progress at anti-poor.”
Ayon kay Lorenzana, sa mga nakaraang linggo ay patuloy ang NPA sa ginagawang pagsusunog ng mga equipment at mga pag-aari ng mga kompanya na tumatanggi sa kanilang extortion.
Dagdag pa niya, ginagawa ito ng NPA sa mga kompanyang gumagawa ng kalsada, nagluluwas ng mga produkto at mga may kinalaman sa transportasyon na nagbibigay aniya ng trabaho at kita sa mga Pilipino.
Iginiit din ng kalihim ang mga pag-atake at pag-ambush sa mga militar at mga pulis na ginagawa ang kanilang mga tungkulin.
Una ng sinabi ni chief government negotiator, Silvestre Belllo III na ang paglagda sa isang bilateral ceasefire agreement ay magiging prayoridad sa isasagawang peace talks.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.