Sa Facebook post ng MMDA, ipapatupad ang nasabing rerouting sa kahabaan ng Sen. W. Diokno Blvd., Jalandoni St., V. Sotto St., Bukaneg St., at A. Dela Rama St.
Nagbigay paalala din ang ahensya na makakaranas rin ng pagkaantal ng daloy ng trapiko sa Pasay Road at Makati Avenue at inaabisuhan ang mga motorista na dumaan na sa mga alternatibong ruta.
Ang nasabing apat na araw na summit ay gaganapin sa Cultural Center of the Philippines Complex sa Pasay City.
Habang ang Asean leaders’ meeting na nakatakda sa April 29 ay gaganapin sa Philippine International Convention Center sa Pasay City na susundan ng pagpunta sa Coconut Palace para sa dalawang oras na pahinga bago ang gala dinner sa Sofitel Philippine Plaza hotel.
Kinabukasan ay aalis na bansa ang lider ng ibat ibang mga bansa.
Kasama rin sa mga events ng Asean na gaganapin sa bansa ay ang 30th Asean Summit sa Abril, ang 50th Asean Ministerial Meeting and related meetings kasabay ang pagdiriwang ng 50th anniversary ng naturang regional bloc sa Metro Manila sa Agosto at ang 31st Asean Summit sa Clark, Pampanga sa Nobyembre.