MMDA, inanusyo na ang rerouting plan para sa 30th Asean Summit

By Rod Lagusad April 02, 2017 - 01:53 AM

mmdaInanunsyo na ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang rerouting plan for thepara sa isasagawang Association of Southeast Asian Nations (Asean) Summit sa bansa sa darating na April 26-29.

Sa Facebook post ng MMDA, ipapatupad ang nasabing rerouting sa kahabaan ng Sen. W. Diokno Blvd., Jalandoni St., V. Sotto St., Bukaneg St., at A. Dela Rama St.

Nagbigay paalala din ang ahensya na makakaranas rin ng pagkaantal ng daloy ng trapiko sa Pasay Road at Makati Avenue at inaabisuhan ang mga motorista na dumaan na sa mga alternatibong ruta.

Ang nasabing apat na araw na summit ay gaganapin sa Cultural Center of the Philippines Complex sa Pasay City.

Habang ang Asean leaders’ meeting na nakatakda sa April 29 ay gaganapin sa Philippine International Convention Center sa Pasay City na susundan ng pagpunta sa Coconut Palace para sa dalawang oras na pahinga bago ang gala dinner sa Sofitel Philippine Plaza hotel.

Kinabukasan ay aalis na bansa ang lider ng ibat ibang mga bansa.

Kasama rin sa mga events ng Asean na gaganapin sa bansa ay ang 30th Asean Summit sa Abril, ang 50th Asean Ministerial Meeting and related meetings kasabay ang pagdiriwang ng 50th anniversary ng naturang regional bloc sa Metro Manila sa Agosto at ang 31st Asean Summit sa Clark, Pampanga sa Nobyembre.

TAGS: Asean, Association of Southeast Asian Nations, Cultural Center of the Philippines, Metropolitan Manila Development Authority, mmda, Philippine International Convention Center, Asean, Association of Southeast Asian Nations, Cultural Center of the Philippines, Metropolitan Manila Development Authority, mmda, Philippine International Convention Center

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.