Dating Vice Mayor ng Pangasinan, nagtapuang patay sa kanyang bahay
Natagpuang patay si dating Calasiao, Pangasinan Vice Mayor Ferdinand Galang sa loob ng kanyang bahay.
Nakitang nakaluhod si Galang sa loob ng kanyang kwarto at suspetiya ng kanyang kamag-anak ay maaring may kinalaman ito sa kanyang hypertension.
Inalis na mga pulis ang posibilidad ng foul play sa insidente.
Ayon kay Chief Inspector Amor Mio Somine, sa inisyal na imbestigasyon ay wala namang nakitang sugat sa katawan ni Galang.
Dagdag pa ni Somine, ay inalis na rin ng pamilya nito ang posibilidad ng suicide pero sasailalim pa rin ito sa autopsy.
Si Galang ay nanalo bilang Vice Mayor noong May 2016 elections pero nag-resign dahil sa mga personal na kadahilanan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.