Sunshine Cruz, nakapagtapos na sa kolehiyo

By Rod Lagusad April 02, 2017 - 01:38 AM

sunshine cruzNagtapos na sa kolehiyo ang aktres na si Sunshine Cruz, na ngayon ay 39 na taong gulang sa kanyang degree sa Psychology sa Arellano University.

Ito ay sa ilalim ng isang alternatibong programang na kung saan pwedeng makapag-aral ang mga working professionals na hindi dumadaan sa tradisyunal na paraan.

Sa kanyang instagram account, ibinahagi ni Sunshine ang isang clip kung saan kanyang tinatanggap niya ang kanyang college degree.

Hindi natapos ni Sunshine ang kanyang pag-aaral dahil sa demand ng pagiging aktres.

Taong 1992 ng pumasok sa showbiz si Sunshine.

Noong nakaraang taon sinabi ni Sunshine na balak niyang ituloy ang kanyang pag-aaral dahil aniya “it’s never too late to go back to school.”

 

TAGS: Arellano University, college degree, Psychology, Sunshine Cruz, Arellano University, college degree, Psychology, Sunshine Cruz

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.