No. 1 drug dealer sa Western Visayas susuko na ayon sa PNP

By Den Macaranas April 01, 2017 - 07:50 PM

Richard PrevendidoHanda nang sumuko sa mga otoridad ang tinaguring bigtime drug dealer sa Western Visayas na si Richard Prevendido.

Sinabi ni Police Regional Office 6 (PRO6) Spokesman Supt. Gilbert Gorero na nagpahatid na ng surrender feeler sa kanila ang nasabing drug lord.

Kamakailan ay naglaan ang PNP ng P1 Million na reward para sa sinumang makakapagturo sa kinaroronan ni Prevendido.

Noong isang linggo ay nakatanggap ng impormasyon ang mga otoridad na nagpa-retoke ng mukha si Prevendido kung saan ay ipinagaya niya umano ang facial features ng kanyang idolo na si dating Cuban leader Fidel Castro.

Sa kanyang panig sinabi naman ni Gorero na kahit na ano pa ang maging itsura ni Prevendido ay mahuhuli rin siya ng mga otoridad.

Nauna na ring napaulat na coddler umano ni Prevendido ang ilang local na opisyal sa lalawigan ng Iloilo na siyang dahilan kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa ito nahuhuli ng mga pulis sa lalawigan.

TAGS: Illegal Drugs, Iloilo, prevendido, shabu, western visayas, Illegal Drugs, Iloilo, prevendido, shabu, western visayas

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.