Pagkamatay ng agilang si ‘Pamana’, iimbestigahan ng Senado

 

Inquirer file photo

Pinaiimbestigahan ni Senador Miriam Defensor Santaigo sa Senado ang pagkamatay ng Philippine eagle na si ‘Pamana’ sa Davao Oriental.

Ayon kay Santiago, maghahain siya ng resolusyon sa Lunes para ipabususi kung anong uri ng wildlife protection ang ginagawa ng pamahalaan.

Nakadidismaya ayon kay Santiago dahil napatay si Pamana sa Mount Hamiguitan Range Wildlife Sanctuary na deklaradong ‘World Heritage’ site ng UNESCO.

Ayon kay Santiago, hindi ito ang unang pagkakataon na naghain siya ng resolusyon para imbestigahan ang pagkamatay ng isang Philippine eagle.

Noong 2013 aniya, pinaimbestigahan niya sa senado ang pagkamatay ng Philippine eagle na si ‘Minalwang’ sa Mt. Balatukan range sa Gingoog City subalit hindi naman ito inaksyunan ng senate committee on enviroment and natural resources./ Chona Yu

 

Read more...