Dagdag presyo sa produktong petrolyo asahan na ayon sa DOE

gas1Makaraan ang sunud-sunod na pagtapyas sa presyo ng produktong petrolyo sa nakalipas na tatlong linggo ay isang oil price hike naman ang naka-umang sa papasok na linggo.

Sa pagtaya ni Department of Energy Spokesman Felix Fuenlebella, posibleng umabot sa P0.20 per liter ang dagdag sa presyo ng gasolina, diesel at gaas o kerosene.

Ipinaliwanag ng opisyal na posibleng magbago pa ang nasabing figure depende sa magiging galaw ng trading sa mga darating na araw.

Nabakase ang pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo sa demand nito sa world market.

Nauna na kasing inanunsiyo ng mga oil producing countries na kasapi sa Organization of Petroleum Exporting Countries (OPEC) na mataas ang demand ngayon lalo na sa suppy ng gasolina at diesel.

Sa kasalukuyan ay wala pang mga oil companies sa bansa ang nag-anunsyo na magtataas sila ng presyo.

Read more...