Philippine Coast Guard handa na sa Semana Santa

Philippine-Coast-Guard-01141
Inquirer file photo

Dahil sa nalalapit na ang paggunita sa Semana Santa, nakaalerto na ngayon ang Philippine Coast Guard.

Ayon kay PCG Officer-In-Charge Commodore Joel Garcia, inatasan na niya ang kanyang mga tauhan na magpatupad ng maximum security measures sa lahat ng pantalan sa buong bansa.

Ayon kay Garcia, ipatutupad ang alert status mula Abril 5 hanggang 20.

Inatasan ni Garcia ang kanyang mga tauhan na maging handa sa personnel na ihanda maritime emergencies o anumang uri ng sitwasyon.

Pinapayuhan ni Garcia ang mga pasahero na magtungo ng maaga o tatlong oras bago ang nakatakdang biyahe para hindi na mahirapan dahil sa ipinatutupad na mahigpit na seguridad.

May itatayong Passengers Assistance Center (PAC) booths ang PCG sa lahat ng pier sa buong bansa at manaduhan ng PCG personnel katuwang ang nga tauhan mula sa Department of Transportation, Philippine Ports Authority (PPA), Maritime Industry Authority (MARINA) at Philippine National Police.

Read more...