Duterte ipinag-utos ang pagpapalit ng pangalan ng Benham Rise

By Chona Yu April 01, 2017 - 12:31 PM

benham-riseInatasan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Department of Foreign Affairs at ang Office of the Executive Secretary na pag-aralan ang posibilidad na baguhin ang pangalan ng Benham Rise sa “Philippine Rise”.

Ipinaliwanag ni Presidential Spokesman Ernesto Abella na ito ay para mabigyang diin ang soberenya na pag-aari ng Pilipinas ang Benham Rise.

Ito ay makaraang pumasok sa nasabing lugar ang ilang barko ng China kamakailan.

Ayon kay abella sumasailalim na ngayon sa legal at logistical study ang utos ng pangulo.

Bukod sa Benham Rise, ilang isla pa sa West Philippine Sea ang pilit na inaangkin ng China.

Ipinaliwanag pa ng kalihim na hindi pinapabayaan ng pamahalaan ang pagtiyak na hindi makakapasok doon ang mga dayuhan.

“A motion has been made subject to the conduct of the requisite legal and logistical study to effect the change”, dagdag pa ni Abella.

TAGS: Benham Rise, DFA, duterte, executive secretary, Benham Rise, DFA, duterte, executive secretary

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.