Rep. Reynaldo Umali pinagsabihang huwag makialam sa Senado

August 20, 2015 - 04:21 PM

Inquirer file photo

Sinaway ni Senate President Franklin Drilon ang kapartidong si Oriental Mindoro Representative Reynaldo Umali at sinabihang huwag nang makialam sa internal affairs ng senado.

Ito ay matapos ihayag ni Umali na dapat na magsagawa ng major overhaul at tanggalan ng committee chairmanships sina senators Grace Poe at Francis Escudero sakaling magpasya ang mga ito na kumandidato sa mas mataas na posisyon sa 2016 elections.

Ayon kay Drilon, pambabastos na ang ginagawa ni Umali dahil sa panghihimasok nito sa trabaho ng senado.

“I strongly urge my partymate Umali to observe inter-parliamentary courtesy and mind his own business, I am sure that may party mate knows better than to act like a blabbermouth,” pahayag ni Drilon.

Hindi na aniya iginalang ni Umali ang inter-parliamentary courtesy ng dalawang kapulungan ng Kongreso.

Iginiit pa ni Drilon na hindi nakatutulong ang mga ganitong pahayag ni Umali sa toxic political environment na nararanasan sa bansa.

“We must refrain from making statements which do not help the already toxic political environment,” giit pa ng Senate President/ Chona Yu

 

 

TAGS: rep reynaldo amado, rep reynaldo amado

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.