11 Aeta patay sa vehicular accident sa Zambales

By Den Macaranas April 01, 2017 - 08:24 AM

Police banner

Patay ang labingisa katao na mula sa Aeta community sa Iba, Zambales makaraang mabangga ng isang trak ang kanilang sinasakyang multicab sa bayan ng Botolan sa lalawigan ng Zambales.

Sa paunang imbestigasyon, sinabi ni Chief Inspector Generico Biñan, Hepe ng Botolan PNP na galing sa isang agricultural seminar sa Ramon Magsaysay Techonological University kahapon ng hapon ang mga biktima nang maganap ang aksidente.

Pabalik na umano ang labingtatlo kataong sakay ng multicab ng ito ay salpukin ng isang ten wheeler truck na nawalan ng preno.

Kaagad na sumuko sa mga otoridad ang tsuper ng trak na si Jefferson Viray na nagsabing nawalan siya ng kontrol sa kanyang minamanehong sasakyan.

Kabilang sa mga namatay ay ang mag-inang sina Evangeline Capistrano, 34-anyos at ang kanyang anak na si Kenneth na apat na taong gulang pa lamang.

Sa lakas ng pagkakabangga sa kanilang sasakyan ay kaagad na namatay on-the-spot ang pitong biktima samantalang tatlo naman ang namatay sa pagamutan.

TAGS: aeta, botolan, ramon magsaysay techonological university, zambales, aeta, botolan, ramon magsaysay techonological university, zambales

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.