Lalaki, patay matapos pagbabarilin sa loob ng bahay sa Quezon City

By Jong Manlapaz April 01, 2017 - 06:30 AM

batasanPatay ang isang lalaki sa 4th Alley Kalayaan, Brgy. Batasan, sa Quezon City matapos na pasukin ng mga armadong suspek sa loob ng kaniyang bahay.

Kinilala ang biktima na si Jun Jomar Rivera, 30-anyos na dati nang sumuko sa Oplan Tokhang.

Ayon sa tiyuhin ng biktima na si Gaspar Rivera, nakarinig na lamang sila ng sunod-sunod na putok ng baril sa loob ng bahay ng biktima.

Pagpunta nila sa lugar nakita na lamang niya na wala ng buhay ang pamangkin habang nakaupo sa lapag.

Sinabi pa ni Gaspar, madalas umano niya sinasabihan ang pamangkin na talikuran na ang bawal na gamot bago mahuli ang lahat.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.