Kinilala ang biktimang si Jayson Palisoc, 26 anyos, walang trabaho.
Naghihintay lamang umano sa kanyang asawa ang biktima nang pagbabarilin ng mga suspek na riding in tandem.
Tatlong tama ng bala sa katawan ang tinamo ng biktima na naging sanhi ng agarang pagkamatay nito.
Batay sa imbestigasyon, nakita ring patay sa kahabaan ng Marcos Alvarez Avenue ang kuya ng biktima noong Oktubre ng nakaraang taon matapos mawala ng apat na araw.
Nagpapatuloy naman ang imbestigasyon ng pulisya sa naturang insidente ng pamamaril.
Iniimbestigahan rin ng Las Piñas PNP kung may kinalaman sa naturang krimen ang una nang pagpatay sa kuya ng biktima.
MOST READ
LATEST STORIES