Binatilyo, sugatan matapos pagbabarilin sa Parañaque City

By Cyrille Cupino April 01, 2017 - 06:26 AM

paranaque sugatanSugatan ang isang menor de edad matapos pagbabarilin ng mga hindi pa nakikilalang suspect sa kanto ng Bagong Silang at Bagong Ilog sa Baclaran, Parañaque City.

Isinugod sa ospital ang 17-anyos na biktima matapos tamaan ng bala sa pisngi.

Ayon sa mga nakasaksi, naka-istambay lang ang biktima nang pagbabarilin ng dalawang naka-motorsiklong lalaki.

Nakatakbo pa sa loob ng isang panaderya ang biktima at hinabol ng suspect.

Basag ang salamin ng isang refrigerator ng tindahan matapos tamaan ng ligaw na bala.

Matapos ang pamamaril, agad ring umalis ang gunman.

Ayon sa pulisya, dati nang nakulong ang biktima dahil sa snatching at naimbitahan na rin ng pulisya nang ilunsad ang Oplan Tokhang.

Nagpapatuloy naman ang imbestigasyon ng pulisya sa insidente.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.