Miyembro ng Abu Sayyaf Group, arestado sa Zamboanga
Naaresto ng Joint Task Force Zamboanga at Zamboanga City Police Office sa port area ng Zamboanga City ang isang notorious na miyembro ng Abu Sayyaf Group (ASG).
Ayon kay Western Mindanao Command (Wesmincom) Spokesperson Capt. Jo-Ann Petinglay, ang miyembro ng ASG na naaresto ay si Amilton Tammang, alyas Nonoy o Dondon, 29-anyos at residente ng Brgy. Liang, Patikul, Sulu.
Si Tammang ay kabilang umano sa ASG Ajang-ajang group na nag-ooperate sa bayan ng Jolo, Sulu at itinuturong nasa likod ng pananakot at pagpugot sa isang construction worker sa Brgy Liang, Patikul, Sulu noong 2016.
Samantala, arestado rin ang pitong miyembro ng isa namang lawless group at kanilang lider sa Brgy Capual, Omar Sulu kamakalawa.
Nakilala ang lider na si Saudi Hamja, habang naaresto rin si Paunkahil Hamja, na pawang may mga warrant of arrest para sa kasong murder at frustrated murder.
Natimbog din ang mga miembro nito na sina Adzmar Omar, Amil Mangcabong, at Ayob Mangcabong, na nahaharap naman sa mga kasong Arson habang sina Jairani Ajirani at Sali Adyhar ay may mga kaso naman ng illegal possession of firearms.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.