2 sundalo sugatan sa pagsabog ng IED sa Maguindanao

FILE PHOTO
FILE PHOTO

Sugatan ang dalawang sundalo matapos sumabog ang isang improvised explosive device (IED) sa Maguindanao.

Sumabog ang nasabing IED sa Barangay Nabundas sa bayan ng Shariff Saydona Mustapha, habang nagpapatrulya ang mga sundalo sa nasabing lugar.

Nakilala ang mga sugatang sundalo na sina corporals Abraham Aduh at Ernie Cabrera na pawang mula sa 40th Infantry Battalion ng Philippine Army.

Hinihinala ng militar na ang Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) ang nasa likod ng nasabing pag-atake.

Gayunman, sa pahayag naman ni BIFF spokesperson Abu Misry Mama, nasugatan ang dalawang sundalo hindi dahil sa isang pagsabog kundi dahil sa pananambang.

Read more...