“Double standard” sa isyu ng pakikipagrelasyon ng mga opisyal ng gobyerno, itinanggi ng Palasyo

duterte girlDumipensa ang Malacañang kaugnay ng panghihiya ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Sen. Leila de Lima dahil sa pakikipag-relasyon nito sa kaniyang driver, habang nagbibiro naman tungkol sa mga pambababae ng mga opisyal ng gobyerno.

Dahil kasi dito, nasasabihan ang pangulo ng pagkakaroon ng “double standard” tungkol sa mga isyu ng pakikipagrelasyon ng mga opisyal ng pamahalaan.

Ayon kay Presidential Spokesperson Ernesto Abella, sa kaso ni De Lima, binatikos nila ito dahil ang nasabing relasyon ay may kinalaman sa pagtanggap ng pera mula sa mga drug lords.

Hindi aniya ito isyu ng pagiging double standard, dahil nananatiling isyu dito ang pagkakasangkot ni De Lima sa kalakalan ng iligal na droga.

Dagdag pa ni Abella, hindi rin ito isyu ng moralidad.

Iginiit rin ni Abella na hindi siya nagiging gender specific nang tawagin niyang imoral si De Lima, ngunit ginagawa lang katatawanan ang pambababae ng kaniyang mga kaalyado.

Aniya, ang isyu ng extramarital affairs ay isa nang usapin ng “personal morality.”

Umusbong ang isyu na ito nang aminin sa publiko ni House Speaker Pantaleon Alvarez na may girlfriend siya kahit na kasal pa rin sila ng asawa niya, bagaman hindi na sila nagkakamabutihan.

Read more...