US defense dep’t., nababahala na rin sa mga kilos ng North Korea

By Kabie Aenlle April 01, 2017 - 04:26 AM

north-korea-apMaging si US Defense Secretary Jim Mattis ay naglabas na rin ng pagkabahala sa mga walang respetong hakbang ng North Korea, na may kinalaman sa mga nuclear at missile programs nito.

Nabanggit ni Mattis ang problema sa North Korea sa isang pulong balitaan kung saan tinanong siya ng tungkol sa Iran.

Ayon kay Mattis, mas mahalaga at mas nakababahalang problema ngayon ang North Korea, at na dapat nang itigil ang ginagawa nitong nuclear tests.

Noon kasing 2012, bilang pinuno ng US Central Command, nabanggit ni Mattis na Iran ang pangunahing pangamba sa United States.

Gayunman, sa mas malaking aspeto, sinabi ni Mattis na mas delikado na ngayon ang North Korea.

Matatandaang nagbanta na ang North Korea na aatakihin ang United States gamit ang nuclear missiles.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.