Unilateral ceasfire ng CPP-NPA-NDF, hindi tatapatan ng gobyerno

peace-talks-norwayWalang balak ang pamahalaan na tapatan ang unilateral ceasefire na idedeklara ng Communist Party of the Philippines-New Peoples Army-National Democratic Front bago mag-umpisa ang fourth round ng peace talks sa Netherlands.

Sa pulong balitaan sa Malakanyang, sinabi ni Government Chief peace Negotiator Silvestre Bello III na target kasi ni Pangulong Rodrigo Duterte na magkaroon ng bilateral ceasefire.

Ayon kay Bello, hindi naman balakid sa usaping pangkapayapaan kung hindi magdedeklara ng unilateral ceasefire ang pamahalaan.

Tuloy din aniya ang operasyon ng militar laban sa rebeldeng grupo para masigurong maproprotektahan ang bayan at ang mga mamamayan.

Gagawin ang fourth round ng peace talks sa Noordwijk sa Netherlands sa April 2 hanggang 7.

Ayon kay Bello, maaring hindi na ang Netherlands ang magsilbing referee o facilitator ng peace process kundi ang bansang Switzerland, Canada o Australia.

Tatalakayin sa fourth round ng peace talks ang usapin sa buffer zone, revolutionary tax at comprehensive agreement on socio economic reform na itunutiring na puso at kaluluwa sa peace process.

Read more...