Media ipinagtanggol ni LP President at Sen. Kiko Pangilinan
By Jan Escosio March 31, 2017 - 04:26 PM
Nakakuha ng dagdag kakampi ang media sa katauhan ni Liberal President at Sen. Kiko Pangilinan.
Iginiit ni Pangilinan na bahagi ng demokrasya ang malayang pamamahayag kasama na ang pagpuna sa pangulo.
Giit nito na dahil sa malayang pamamahayag ay tumitibay ang demokrasya at kalayaan.
Pagpapaalala pa ni Pangilinan na ilang pangulo na ang nakipagbangaan sa media pero nagpatuloy lang ang media sa kanilang tungkulin ngunit hindi ang pangulo ng bansa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.