Ang dalawang kongresista at pawang mga kaalaydo ng administrasyon sa Kongreso.
Ayon kay Presidential Spokesperson Ernesto Abella, ang naturang personal sa usapin ay nasa pagitan ng dalawang mambabatas at dapat ayusin nilang dalawa.
Kaugnay ito ng paghahain ng reklamong graft ni Alvarez sa Ombudsman laban kay Floirendo dahil sa umanoy maanomalyang pag-upa ng lupa ng gobyerno sa firm na pagmamay-ari ng pamilya Floirendo.
Giit ni Floirendo ay nag-ugat ang kanilang away sa mga usap-usapang siya ang nasa likod ng planong pagpapatalsik kay Alvarez.
Nasama na rin ang isyu ng mga marital woes at umanoy away sa pagitan ng kanilang mga kasintahan.