Palasyo hindi makikialam sa away nina Alvarez at Floirendo
Hindi makikialam ang palasyon ng Malakanyang sa away nina House Speaker Pantaleon Alvarez at Davao del Norte 2nd District Representative Antonio Floirendo Jr.
Ang dalawang kongresista at pawang mga kaalaydo ng administrasyon sa Kongreso.
Ayon kay Presidential Spokesperson Ernesto Abella, ang naturang personal sa usapin ay nasa pagitan ng dalawang mambabatas at dapat ayusin nilang dalawa.
Kaugnay ito ng paghahain ng reklamong graft ni Alvarez sa Ombudsman laban kay Floirendo dahil sa umanoy maanomalyang pag-upa ng lupa ng gobyerno sa firm na pagmamay-ari ng pamilya Floirendo.
Giit ni Floirendo ay nag-ugat ang kanilang away sa mga usap-usapang siya ang nasa likod ng planong pagpapatalsik kay Alvarez.
Nasama na rin ang isyu ng mga marital woes at umanoy away sa pagitan ng kanilang mga kasintahan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.