Pangunahing suspek sa rent tangay, sumalang sa pagdinig ng DOJ Panel

Kuha ni Erwin Aguilon
Kuha ni Erwin Aguilon

Humarap sa Department of Justice (DOJ) Panel of Prosecutors ang mga pangunahing suspek sa tinaguriang rent-tangay o rent-sangla scam na nakapambiktima nang mahigit sa 300 car owners.

Dito naghain ng counter affidavit si Rafaela Anunciacion habang bigo naman si Tychicus Nambio na magsumite ng kanyang kontra-salaysay dahil hindi umano niya natatanggap ang mga padalang subpoena ng DOJ.

Pinagsusumite rin ng panel ang HPG ng kanilang sagot.

Ang mga suspek ay nahaharap sa reklamong large scale estafa.

Bukod pa sa panibagong reklamo na isinampa kamakalawa ng NBI na syndicated estafa at carnapping.

Itinakda ng panel ang susunod na hearing sa April 10 kung saan inaasahan ang pagsusumite ng karagdagan pang salaysay ng iba pang complainant sa kaso.

Read more...