Watch: Inquest Prosecutor, may rekomendasyon na suspek sa extortion kay Kiefer Ravena

By Jan Escosio March 31, 2017 - 12:23 PM

Kuha ni Jan Escosio
Kuha ni Jan Escosio

Nakitaan ng probable cause ni Quezon City Inquest Prosecutor Bienvenido Ocampo para malitis sa mga kasong robbery extortion at paglabag sa anti photo and video voyeurism law ang bank employee na nangikil sa basketball superstar na si Kiefer Ravena.

Ngunit ipinaliwanag ni Ocampo sa panig nina Ravena at respondent na si Kristoffer Ng na ang kanyang rekomendasyon ay pag aaralan pa ng City Chief Prosecutor.

Magugunita na nagkaroon ng pag-uusap sina Ravena at Ng sa pamamagitan ng viber.

Sa sinumpaang salaysay ng basketbolista nagpakilalang fan niya si Ng at ito ay nagpapadala ng mga malalaswang larawan.

Diumano pinagbantaan ni Ng si Ravena na ikakalat ang mga malalaswang larawan nito kung hindi magbibigay ng 25,000 pesos.

Noong miyerkules ay naaresto sa isang entrapment operation si Ng sa Eastwood city matapos magreklamo si Ravena sa PNP Anti-Cybercrime Group.

Dagdag pa ni ocampo nahaharap sa hanggang 16 taon na pagkakakulong si ng dahil sa kasong robbery extortion.

Sa inquest proceedings positibong kinilala at itinuro ni Ravena si Ng na siyang nangikil sa kanya.

Tumanggi naman magbigay ng pahayag ang pamilya ni Ng bagamat iginiit ng abogado nito na inosente ang kanyang kliyente at walang entrapment operation na nangyari kayat maituturing na ilegal ang pag aresto dito.

TAGS: kiefer ravena, PNP Anti-Cybercrime Group, robbery extortion, viber, kiefer ravena, PNP Anti-Cybercrime Group, robbery extortion, viber

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.