Russia, todo handa na para sa pagbisita ni Pangulong Duterte sa Mayo

By Erwin Aguilon March 31, 2017 - 12:33 PM

igor khovaev Tiniyak ni Russian Ambassador Igor Khovaev na puspusan ang ginagawang paghahanda ng pamunuan ng Russia sa nakatakdang pagbisita ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanilang bansa sa darating na Mayo.

Sa isang panayam, sinabi ni Khovaev na nais nilang maging matagumpay ang inaasahang “milestone” sa bilateral relation ng Pilipinas at ng Russia.

Inihahanda na rin aniya ang mga kasunduan na dapat pirmahan ng dalawang pangulo sa oras na magkita ang mga ito.

Ayon din kay Khovaev, bukas ang kanilang bansa ng pag-usapan ang kahit anong paksa na nais ng Pilipinas lalo na ang mga bagay na magpapatatag sa pagpapaunlad ng bilateral relations ng dalawang bansa.

Pero nilinaw naman ng ambassador na bagamat handa silang pag-usapan ang kahit anong paksa ay dapat itoy alinsunod par in sa kanilang basic fundamental principles gaya na lamang ng hindi pakikialam sa internal o domestic affairs ng kahit anong bansa at alinsunod sa international law.

Kailangan din aniya na makatulong ang anumang usapin sa pagpapatibay ng bilateral relations ng dalawang bansa gayundin ang pagpapalakas ng peace stability sa rehiyon.

 

TAGS: Igor Khovaev, Pilipinas, Rodrigo Duterte, Russia, Igor Khovaev, Pilipinas, Rodrigo Duterte, Russia

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.