Supplemental impeachment complaint laban sa kay Duterte kulang sa ‘form’ at ‘substance’

By Chona Yu March 31, 2017 - 09:29 AM

Duterte VietnamPara sa palasyo ng Malakanyang, kulang sa ‘form’ at ‘substance’ ang inihaing supplemental impeachment complaint ni Magdalo Congressman Gary Alejano laban kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, political tactic lamang ang ginagawa ni Alejano para sumikat.

Ginagamit aniya ni Alejano ang impeachment complaint para sa kanyang pagkandidato sa pagkasenador sa 2019 kapalit ni senador Antonio Trillanes IV.

Ayon pa kay abella, kumukuha lamang ng media mileage si Alejano nang maghain ng kulang na impeachment complaint at sundan ng supplemental complaint.

Pagtitiyak ni Abella na walang basehan ang impeachment dahil sinisiguro ng pangulo na mapoproteksyunan ang interees ng bayan.

TAGS: Antonio Trillanes IV, gary alejano, Impeachment complaint, magdalo, Rodrigo Duterte, Antonio Trillanes IV, gary alejano, Impeachment complaint, magdalo, Rodrigo Duterte

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.