Watch: Hinihinalang drug den sinalakay, apat arestado, 150 gramo ng shabu nakumpiska

Kuha ni Jong Manlapaz
Kuha ni Jong Manlapaz

Sinugod ng mga miyembro ng Taytay Police ang dalawang palapag na bahay sa Block 20 Jordan St. P-8   Pag-asa Brgy. Sta. Ana Taytay, Rizal.

Base na rin sa bisa ng search warrant na pinalabas ni Judge Agripino Morga ng San Pablo City Regional Trial Court laban sa suspek na si Billy Ria na kabilang sa naaresto ng Taytay PNP na siyang may ari ng bahay.

Ayon kay Supt. Samuel Delorino, hepe ng Taytay Police, maituturing bigtime ang mga nahuli nilang mga suspek dahil tinatayang aabot sa mahigit 150 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng mahigit isang milyong piso.

Maliban kay Ria, arestado rin ang tatlong katao kabilang na ang isang lalake at dalawang babae kabilang na ang asawa ni Ria.

Mariin naman itinanggi ni Ria na kanila ang shabu, pero aminado ito na gumagamit ng bawal na gamot at sa loob ng kanyang bahay bumibili ng shabu.

Pero hindi kinagat ng mga pulis ang palusot ng suspek.

Maliban sa shabu nakuha din sa pangangalaga ng mga suspek ang isang caliber 45, mga bala at drug paraphernalia.

Hawak na ngayon ng Taytay police ang mga suspek at nahaharap sa patongpatong na kaso.

Read more...