Ang naturang mga proyekto ay popondondohan ng $8.8 bilyong dolyar ng Japan.
Ito ang kinumpirma ni Socioeconomic Planning Secretary Ernesto Pernia kasabay ng pahayag na may nakahanda pang labing-isang proyekto na ibibigay ng Japan sa Pilipinas sa pamamagitan ng mga loans at grants.
Ayon kay Pernia, ang labing-apat na infrastructure projects na kanilang inilatag sa Japan International Cooperation Agency (JICA) ay bahagi ng mga ‘flagship’ project ng Duterte administration.
Kabilang aniya sa tatlong ‘big-ticket’ projects na inaasahang popondohan ng Japan ay ang $4.3 billion initial phase ng Mega Metro Manila subway system na magkukonekta sa FTI Taguig sa SM North EDSA at Trinoma Mall sa Quezon City.
Kasama rin sa proyekto ang $2.7 billion commuter line na bahagi ng North-South railway project at ang $1.9 billion high speed rail na magdudugtong itatayong Clark Green City at bahagi ng North South Commuter Railway na magkukonekta sa Tutuban sa Maynila at Malolos, Bulacan.
Ang Official Development Assistance (ODA) para sa mga naturang proyekto ay nakatakdang lagdaan ni Japanese Prime Minister Shinzo Abe sa oras na dumalo ito sa gaganaping ASEAN Summit sa Pilipinas sa Nobyembre.