9 na Malaysian sa North Korea, makakauwi na

By Kabie Aenlle March 31, 2017 - 04:00 AM

 

kim jong unMakakauwi na sa kanilang bansa ang siyam na Malaysian citizens na hindi pinayagang makaalis ng North Korea matapos ang pagpatay kay Kim Jong Nam.

Sa isang inilabas na pahayag, kinumpirma ni Malaysian Prime Minister Najib Razak na matapos hindi payagang makauwi mula sa North Korea, nasa biyahe na ang siyam na nasabing Malaysians.

Bukod dito, binanggit rin ni Razak sa kaniyang pahayag na papayagan na rin nila ang mga North Koreans na makalabas ng Malaysia.

Dahil kasi sa diplomatic row na namagitan sa Malaysia at North Korea matapos ang assassination sa kapatid ni North Korean leader Kim Jong-Un na si Kim Jong-Nam, nag-anunsyo ang dalawang bansa ng freeze sa mga departures.

Apat na Malaysian diplomats kasama ang kanilang mga kaanak ang naipit sa North Korea bunsod nito.

Nag-ugat ang hindi magandang relasyon ng dalawang bansa dahil sa hindi pagpayag ng Malaysia na dalhin ang katawan ni Kim Jong-Nam sa North Korea, at sa halip ay ipinagpatuloy pa ang autopsy na una na ring tinutulan ng North Korea.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.