NPA, sumugod sa mga militar sa Samar at Northern Samar

By Kabie Aenlle March 31, 2017 - 04:04 AM

 

sanjuanico_bridge samarUmatake ang mga rebeldeng New People’s Army sa mga military detachments sa Samar at Northern Samar.

Mapalad namang walang naitalang nasaktan sa mga nasabing pag-atake na naiulat sa Police Regional Office-Eastern Visayas.

Unang umatake ang mga NPA sa detachment ng Civilian Armed Forces Geographical Unit (CAFGU) sa Barangay 1-A, bayan ng Motiong sa Samar, alas-2 pasado ng madaling araw ng Huwebes.

Makalipas ang nasa tatlong oras, sinugod naman nila ang isa na namang detachment ng CAFGU sa Brgy. Geparayan sa bayan ng Silvino Lobos, Northern Samar.

Patuloy na pinaghahanap ngayon ng mga sundalo ang mga umatakeng rebelde.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.