Mga senador, dismayado sa panukalang ‘pardon’ ni Pangulong Duterte sa Espinosa killing suspects

By Jay Dones March 31, 2017 - 04:31 AM

 

Robert Dejon/Inquirer

Hindi ikinatuwa ng mga senador ang naging pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na bibigyan nito ng pardon ang labingsiyam na pulis ng CIDG region 8 na kinasuhan dahil sa pagpatay kay Albuera, Leyte mayor Rolando Espinosa Sr.

Matatandaang sa isang talumpati, sinabi ng pangulo na makabubuting mag-plead na lamang ng ‘guilty’ ang mga pulis na sangkot sa Espinosa killing at agad niyang gagawaran ng ‘absolute pardon’ ang mga ito.

Ayon kay Senador Antonio Trillanes IV, lalo lamang pinatunayan ng pahayag ng pangulo ang kanyang paniniwalang ‘state sponsored’ ang mga kaso ng pagpatay kaugnay sa giyera kontra droga ng Duterte administration.

Giit ni Trillanes, dapat magdalawang-isip ang mga alagad ng batas na lumalakas ang loob dahil sa mga pahayag ng pangulo dahil hindi aniya ito habambuhay na hahawak ng kapangyarihan.

Samantala, sinabi naman ni Senador Panfilo Lacson, nagpapahatid ng ‘maling mensahe’ sa mga alagad ng batas.

Maari aniya itong gamitin ng mga pulis upang walang habas na pumatay ng mga sangkot sa droga at maging mga inosenteng sibilyan at umasa ng ‘pardon’ mula sa pangulo.

Ikinalungkot naman ni Senador Grace Poe ang patuloy ang pagdepensa ni Pangulong Duterte sa 19 na pulis na sangkot sa Espinosa killing.

Dahil sa mga pahayag aniyang ito ng pangulo ay lalong humihina ang kanilang pagtatangkang palakasin ang sistema ng hustisya sa bansa.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.