Ito ang resulta ng ginawang autopsy sa labi ng biktimang si Shiryl Saturnino na nasawi makaraang sumalang sa tatlong cosmetic procedure sa Icon clinic noong Linggo.
Sa case conference ng kaso ni Saturnino, sinabi ni Special Investigation Task Group Shiryl Commander Sr. Supt. Marcelino Pedroso, kung mapapantunayang may pagkukulang ang mga doktor ng klinika na nagsagawa ng surgery sa biktima ay posibleng maharap ang mga ito sa kaso.
Kanilang sinisilip ang posibilidad na masampahan ng kasong reckless imprudenc resulting to homicide ang mga doktor na nagsagawa ng tatlong uri ng surgery sa biktima.
Sa ngayon, pinamamadali na ng SITG Shiryl ang resulta ng histopathology report sa labi ng biktima na magmumula sa PNP Crime Laboratory upang matukoy kung nagkaroon ng kapabayaan sa panig ng mga doctor ng Icon Clinic.
Maging ang Philippine Association of Plastic Reconstructive and Aesthetic Surgeons ay iniimbestigahan na rin ang naturang insidente.