Lacson, nagdadalawang-isip na sa confirmation ni Lopez
Dahil sa pressure, nagdadalawang-isip na ngayon si Sen. Panfilo Lacson tungkol sa pagsuporta sa kumpirmasyon ni Environment Sec. Gina Lopez.
Ayon kay Lacson, suportado naman niya talaga ang confirmation ni Lopez noon, ngunit ngayon ay napapaisip na siya dahil sa bigat ng pressure na gampanan ang kaniyang mandato bilang senador at miyembro ng Commission on Appointments (CA).
Aniya pa, marami na siyang naranasang pressure sa buong panahon ng kaniyang career, at kasabay aniya ng pagkasanay niya dito ay ang pagkainis rin niya dito.
Ipinahayag ito n Lacson matapos siyang hingan ng reaksyon tungkol sa mga panawagan sa mga miyembro ng CA na may conflict of interest, na mag-inhibit sa botohan para sa confirmation ni Lopez.
Inamin naman ni Lacson na nagbigay ng P5 milyon bilang contribution sa kaniyang senatorial campaign ang mining magnate na si Manuel Zamora.
Gayunman, mas pinapahalagahan niya aniya ang malaking naitulong ng ABS-CBN Foundation na dating pinamumunuan ni Lopez sa mga biktima ng super bagyong Yolanda.
Aniya pa, hindi siya mag-iinhibit dahil wala naman siyang dahilan para gawin ito, pero iginiit niyang maaring mabago ang kaniyang boto dahil sa pressure.
Paliwanag ni Lacson, kung ikukonsidera lahat ng koneksyon sa pagitan ng mga Pilipino, maraming government entities ang hindi na maaring maging kritiko lagi namang may makikitang koneksyon sa pagitan ng bawat isa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.