IED, natagpuan sa bus sa Cavite

By Jay Dones March 31, 2017 - 04:25 AM

 

Inquirer file photo

Isang improvised explosive device (IED) na gawa sa isang mortar shell ang nadiskubre sa isang pampasaherong bus sa Dasmariñas City, Cavite Huwebes ng umaga.

Nadiskubre ang bomba na nakasilid sa isang backpack sa ilalim ng upuan ng Jasper Jean Bus na byaheng Dasmarinas-Manila habang nag-aabang ng pasahero sa loob ng terminal.

Ayon kay Edwin Costes, presidente ng bus company, isang pasahero ang nagbigay-alam sa driver sa bag na sa ilalim ng bus.

Nang buksan, dito na tumambad ang bomba na kinabitan ng cellphone .

Agad na pinababa ng driver ang lahat ng pasahero at dinala ang bomba sa himpilan ng pulisya.

Ayon naman kay Supt. Janet Arinabo, information officer ng Cavite police, walang kakayahang sumabog ang naturang bomba.

Patuloy na iniimbestigahan ng mga otoridad ang pagkakadiskubre ng naturang pampasabog at ang posibleng motibo sa likod nito.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.